MGA KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG LIDER SA BANSA
Ano nga ba ang dapat na asahan natin o Makita natin sa isang Pangulo ng bansa?. Ito ba dapat ang ating Makita sa isang Pangulo o isang Pinuno ng bansa ?. Ang isang Pangulo ay may iba’t – ibang katangian na dapat taglayin ng isang Pangulo o Makita sa isang Namumono ng isang bansa . Ito ay dapat taglayin at Makita sa isang Pangulo at Makita ng mga mamamayan sa isang Pangulo. Isa sa inaasahan sa isang Pangulo kung ano ang katangian na taglay nito upang mapamunuan ang kanyang mga nasasakupan at magkaroon ng pag-unlad at pagbabago sa isang bansa. Dito sa ating bansa kailangan natin ng isang tao o Pinuno na ating maaasahan at iaangat ang ating bansa .
Ang isang pagiging Pangulo ay isang malaking responsibilidad, isa sa inaasahang katangian ng Pangulo ay may Matapang at Palaban na kayang nitong ipaglaban ang kanyang nasasakupan at hindi nabubuwag ang tatag ng loob para isuko ang karapatan ng mga kanyang nasasakupan. Paninindigan, kung ano ang kanyang ipinangako nya noong siya ay nangangampanya ay dapat ito ay kanyang susundin at ipapakita sa mga mamamayan.Ang isang Pangulo ay may Pantay-pantay na pagtingin sa mga mamamayan , ito man ay mahirap ,mayaman ,may estado sa buhay o wala ,ito man ay mapalalaki o babae ,may kapansanan man o wala dapat ito ay may pantay pantay na pagtingin . At ang isang Pangulo ay walang inaanban o pino protektahan , maliban na lang kung ito ay nasa tama. May matapang na pag iisip, sa gano’y hindi ito agad naaapektuhan o nanghihina sa mga masasamang sinasabi o ibinabato laban sa kanya . Matulungin, ang isang Pangulo ay dapat matulongin sa kanyang kapwa tao , kahit ano pa ang sistema nito sa buhay, dapat handa itong tumulong at bukas palad sa mga taong nangangailangan at humihingi ng tulong. Ang isang Pangulo ay kaya tayong ipaglaban laban sa mga naaabuso , lalo’t na sa mga kababaihan na aabusado, at kayang sumugpo sa mga krimen at may mabilis na aksyon laban sa mga krimen na gagawa . May paniniwala sa sarili ,may panininwala sa sarili na kaya niyang gampanan ang mga responsibilidad sa bansa , at kaya niyang harapin ang mga unos na dumarating sa kanya at nanatili itong nakatayo at matatag sa kanyang sarili. Ang isang lider o pinuno ay hindi ito dapat nangkokorupsyon sa mga kaban ng bayan .At angisang Pangulo ay handing isabuhay ang mga ating kultura at kayang itong ipagmalaki.At ang higit sa lahat Ang isang Pangulo may takot sa Diyos , upang ito ay maging matagumpay at maging maayos ang kanyang pamamalakad sa kanyang nasasakupan ,at maging matiwasay ang pamamalakad kung ang ating Panginoon ay sentro ng ating buhay.
Ang isang mahusay na pinuno ay dapat taglayin ang mga sumosunod na katangian upang, makamit ang tagumpay ,katiwasayan, at kapayapaan ng nasasakupan . Ang mahusay na pinuno ay mahusay na nagagampanan ang kanyang mga tungkulin at ang pamumunong nailathala sa kanya , dapat ang isang Pangulo ay hindi puro sa salita dapat ay ito rin kanyang ginagawa. Hindi madali ang pagiging isang pinuno ng isang bansa lalo’t pa marami ang mga umaasa at nag hihintay ng pag babago.Hindi biro ang pagiging isang Pangulo ng bansa ,dahil lahat ng mga suliranin sa bansa ay kanyang nireresolbahan. At upang mapadali at mababilis ang ating paglago at pagbabago ,kailangan din ng mga isang mamamayan na magtulongan at mag kaisa upang sagano’y ay mapabilis ang ating pag unlad .
FVT-7 GROUP 6
Batucan, Kimberly
Norbe, Hershee M.
Rebancos, Anne Lorieta P.
LAKBAY SANAYSAY
BAGUIO TRIP
Bilang estudyante at kabataan, nais kong pumunta sa iba't ibang lugar na may magagandang tanawin at dinadayo ng mga turista. Hindi lang pamamasyal ang gusto kong gawin kundi gusto kong malaman kung ano nga ba ang kanais nais sa lugar na iyon at bakit ito ay dinarayo ng marami. Maraming lugar sa Pilipinas ang may magagandang tanawin. Bilang kabataan na kulang pa sa karanasan ay gustong tumuklas ng mga bagay bagay kahit sa pamamagitan lang ng pagpunta sa ibang lugar at danasin ang pagtuklas sa kagandahan ng mga lugar sa Pilipinas man o mapa-ibang bansa. Isa sa magandang lugar na napuntahan ko na dinarayo ng marami ay sa Baguio.
Bilang paghahanda sa pagpunta sa Baguio, isang linggo bago umalis ay inasikaso namin ang mga gamit at damit na kailangang dalhin. Pagkain ang isa sa mga importanteng kailangang hindi makalimutan dahil bukod sa mas makakatipid ay mas mabubusog ka pa kumpara sa gagastos ka sa labas at dahil dalawang araw lang kami ay pang isang araw lang ang pagkain na dinala namin. Hindi malilimutan ang sasakyan na dapat asikasuhin para aarkilahin. Hindi mawawala ang camera na gagamitin sa para kumuha ng masasaya at magagandang lugar. Sa araw na aalis na kami ay handa na ang lahat para sa pagpunta. Mga limang oras ang ginugol ng byahe bago kami nakapunta sa bahay na tutuluyan namin. Una namin pinuntahan ang Lion's Head, ito ay statwa na naggagabay sa lungsod ng Baguio. Habang nagpipicture ang iba ay kumain ka ng taho na ang flavor ay strawberry na kakaiba para sa mga taong nakatira sa ibang lugar. Isa din sa lugar na napuntahan namin sa Baguio ay Burnham park, bilang pampalipas oras ay nag-bike kami at sumakay ng bangka kasama ang mga pinsan ko. Isa din sa napuntahan na namin ay Botanical Garden, bukod sa malamig at tahimik sa lugar na ito magandang lugar ito para kumuha ng litrato dahil sa atraksyon na meron ito. Our Lady of Lourdes Grotto, isa sa nakakapagod na puntahan dahil kailangan mo pang umakyat, halos 100 hagdan ang kailangan mong akyatin para makapunta sa tuktok nito. Sa taas nito ay may simbahan at mararamdaman mo ang ginhawa pagtapos umakyat dahil sa lamig ng hangin at tanawin dito. Habang nagmumuni muni ay bumili kami ng pasalubong para sa pag-uwi isa na dito ang strawberry jam. Isa din sa mga napuntahan namin ay Wright Park, Secret Garden at Mines View Park. Kahit nakakapagod ay sulit ang pagpunta dahil sa taglay nitong ganda at kultura pati na din ang atraksyon.
Hindi natin makakaila na marami talagang magagandang lugar sa ating bansa, dahil sa taglay nitong kultura at tanawin. Maraming turista na galing pang ibang bansa na dumadayo sa ating bansa para makita ang taglay na ganda ng ating bansa. Kahit na nakapunta na ako sa Baguio ay marami pa din talagang lugar akong hindi napuntahan at mga natuklasan pero isa ito sa magandang karanasan para sa akin. Hanggang ngayon ay hinahanap hanap ko pa din ang ganda ng lugar at mga tao dito dahil sa payak na pamumuhay at matahimik na lugar.
Kimberly Batucan
FVT 7
Ang paglalakbay sa City of Bacolod
Sino ang nag nanais na makapunta sa isang bansa na kahit saan kalumingon ay makakakita ka ng mga taong masasaya at may ngiti sa kanilang labi. Matatamasa mo din ang magiliw at mainit na pagtanggap nila sa mga dayuhan na pumupunta dito sa ating lugar .Ang isang kakaiang Festival sa Pilipinas ay ang Masskara Festival lungsod ng Bacolod .Ang Maskara ay isang uri ng gamit na isinusuot sa mukha ang maskarang iyon ay merong iba’t – ibang disenyo at kulay . At ang maskarang iyon ay sinusuot ng mga tao at sumasayaw sila suot ang mga maskarang may malaking ngiti . Sa tuwing sasapit ang Oktubre sa Bacolod , doon ginaganap ang isang maingay , makulay at masayang Festival na iyong makikita sa pag sapit ng dilim . Dahil sa pag sapit ng dilim maslalo mong makikita ang ganda at ang kulay sa mga paligid .Alam niyo ba? ang Lungsod ng Bacolod ay pinaka maunlad na lugar sa probinsiya ng Kanlurang Negros . At ang lugar ng Bacolod City ay kilala sa tawag na “The City of Smile “, dahil ang mga tao doon ay mga masasayahin at may ngiti sila sa kanilang labi . At isa pa, sagana pa ito sa mga tobo o “sugar crane” ang Bacolod , dahil sa mga marami itong tanim . Ang Bacolod ay isang sentro ng pag papaluwas ng mga asukal at ito ay ibinabahagi nila sa iba’t - ibang lugar. At marami kapang ibang makikita na magandang tanawin sa Bacolod.
Noong kami ay nag punta sa Bacolod , dahil ditto an gaming probinsya at ito rin ang Hometown ng aking ina. Sa lugar ng Bacolod ay nandoon ang aming mga kamag anakan . Nang kami ay nag tungo sa Lungsod ng Bacolod , ang aming sinakyan ay isang Barko . Sa barkong iyon kami ay nakadalawang umaga at isang gabi sa aming pag lalayag papunta sa aming patutungohan . Sa dalawang araw namin na pag lalayag sa karagatan patungo sa aming destinasyon , nakita namin at aming nasaksihan ang ganda, kalawakan at katahimikan ng karagatan . Sa labas ng barkong iyon pag tumingan ka sa baba ng karagatang iyon makikita mo ang mga isdang sumusunod sa barko , katulad na lamang ng mga Flying Fish na iyong makikita at mga puti at itim na mga Jelly Fish . At nang kami ay nakarating na sa aming bahay kami ay namahinga at nag ayos ng aming mga gamit . Nang kinabukasanna iyon ay kami pumunta sa kilalang Park of Lagoon na kung saan ay marami ding mga turista ang pumupunta doon . Sa Park ng Lagoon ay marami din doong ginaganap na mga celebrasyon . At pwede ka rin doon mag pakain ng mga isda sa may Fountain ng Lagoon . Hindi naman sa kalayuan makikita mo rin ang Municipal ng Bacolod at talaga namang ito ay napakaganda . Sa hindi rin kalayuan may malapit din doon na Minizoo na kung saan ay makikita mo ang mga iba’t- ibang mga hayop . Sa Lungsod ng Bacolod ay meron din itong sikat at kilalang simbahan na San Sebastian Chruch na kung saan ay lingo maraming mga tao ang nag pupunta doon upang magsimba .Sa tapat naman ng simbahan ay meron din kilalang Plaza , kaya naman tuwing linggo ay maraming tao doon. Sa Lungsod ng Bacolod doon mo rin matitikman ang kilalang pag kain na Special Piyaya na talaga namang napakasarap at napaka tamis na piyaya. Sa tuwing sasapit naman na ang buwanng Oktubre , ang pinaka hihintay ng lahat ay ang Maskara Festival . Dahil nga naman sa sobrang ganda nito at talaga namang napakasaya .
Bigyan natin pansin ang ating mga napupuntahan na lugar at an gating mga kasama sa buhay . Minsan sa ating buhay kailangan din natin na dumayo sa ibang lugar , upang Makita natin ang mga pinag mamalaki nilang mga lugar at magagandang tanawin . Ang pag punta – punta sa mga iba’t – ibang lugar ay nag kakaroon din tayo ng kaalaman tunkol sa kanilang lugar at kung paano sila namumuhay . Ang mga magagandang tanawin at lugar dapat nating panatillihin na maayos at ka akit akit sa ibanng tao . At panatilihin nating ipag malaki ang lugar na meron sa ating bansa. Pahalagahan natin ang mga magagandang tanawin sa ating bansa.
Anne Lorieta Rebancos
FVT 7
Tara na sa Wawa Dam!
Nais mo ba makatakas sa siyudad sa loob ng isang araw? Naghahanap ka ba ng lugar na maaring bisitahin malapit sa Metro Manila kung saan ikaw ay makakapagrelax, makaka kuha ng litrato sa mga natural na tanawin at mag saya at mag enjoy sa tanawin? Kung iyon ang iyong gusto? Dito sa Rodriguez, Rizal o kilala bilang Montalban, humigit kumulang isang oras lang mula sa Metro Manila ay matatagpuan ang tinatawag na Wawa Dam. Ang Wawa Dam ay nabuo noong kolonyal ng Amerika Era noong 1909 bilang kuhaan ng supply ng tubig para sa mga tao sa siyudad. Ngayon, isa na itong abandonadong imbakan ng tubig na binibisita ng mga hikers. Ito ay sa pagitan ng Mt. Pamintinan at Mt. Binacayan. Ano nga ba ang maaaring gawin sa Wawa Dam? Mga turista, hikers at ang mga ibang tao na galing sa malalayong lugar ay bumibisita dito upang mag piknik, sightseeing, mag mountain climbing at kahit mag shooting ng pelikula. – Lalo na kung summer, Ang Brgy. Wawa ay kilala sa mga matatarik na bato, kapag ikaw ay nag-trek sa Mt. Pamintinan o Mt. Binacayan. Pero kung hindi ka mahilig sa mga pag akyat ng bundok ay maaari mong maenjoy and Wawa Dam Falls kung saan may mga cottage na pwedeng arkilahin sa halagang 150 pesos at ma-enjoy ang pag piknik at pagligo sa naturang falls. Ito rin ay sakto para sa mga taong mahilig magpicture ng mga tanawin. Maeenjoy nyo ang mga naglalakihang Buhay na bato sa Wawa at ang mga matatarik na bundok. Kung wala man kayong madala na pagkain, ay may mga sari sari store doon. Ang mapapayo ko sa mga nais magpunta sa Wawa ay magdala o magbaon kayo ng pagkain. Dahil nga sa dinarayo ito ay mahal ang mga bilihin don. Pwede rin na lumangoy sa ilog ngunit di ko maipapayo na lumangoy kayo doon dahil 20 ft ang lalim ng ilog. Asahan nyo na madaming tao sa umaga ng Martes at Biyernes dahil sa mga inaangkat na mga gulay at prutas galing sa bundok. Maaari rin kayong makabili ng mga gulay at prutas sa mababang halaga kumpara sa palengke. Magandang kumuha ng litrato tuwing umaga sa pagitan ng 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga. Kaya wag nyo kalimutan ang camera, extra battery, tripod at mga selfie sticks!
Paano nga ba pumunta sa Wawa?
Sa mga sasakay lamang: Merong terminal ng UV Express sa tapat ng Jollibee sa may Farmers, Cubao. Sumakay sa van papuntang Rodriguez o Montalban at ang pamasahe ay 50 pesos isang tao. Ibababa kayo sa Montalban Terminal at maaari kayong sumakay sa tricycle papuntang Wawa sa halagang 10 – 20 pesos isang tao. Pagkarating mo sa Parking Lot, lalakad ka ng 5-10 minuto para makita mo ang magagandang tanawin na nagtatago sa mga puno at malalaking bato. Pagkarating mo roon ay walang entrance fee at cottage lamang ang
babayaran nyo. Mag enjoy kayo!
Hershee Norbe
FVT 7
LAKBAY PROBINSYA
Bilang istudyante nais kong pumunta sa ibat ibang lugar na may ibat ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na tinatangkilik ng mga turista,mapadayuhan man o mga taong doon na mismo sa lugar nayon lumaki at nagka isip. Noong nakaraang buwan pumunta kami ng aking mga magulang sa aming probinsya at isa sa aking napuntahan ay isang isla sa aming probinsya na tinatawag itong turtle island dahil sa hugis nito matagal man ang biyahe papunta doon ay sulit naman dahil napakaganda ng isla nayon at napakasaya ko nung araw na yon dahil kami lng ang naliligo. Ang realisasyon ko sa aking pag lalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat ipagmalaki na sa inyong lugar lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nag papatunay na masagana ang bansa natin sa likas na yaman at higit sa lahat ay mag pasalamat tayo sa Panginoon sa mga biyayang ating nataganggap galing sa kanya.
Bilang istudyante nais kong pumunta sa ibat ibang lugar na may ibat ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na tinatangkilik ng mga turista,mapadayuhan man o mga taong doon na mismo sa lugar nayon lumaki at nagka isip. Noong nakaraang buwan pumunta kami ng aking mga magulang sa aming probinsya at isa sa aking napuntahan ay isang isla sa aming probinsya na tinatawag itong turtle island dahil sa hugis nito matagal man ang biyahe papunta doon ay sulit naman dahil napakaganda ng isla nayon at napakasaya ko nung araw na yon dahil kami lng ang naliligo. Ang realisasyon ko sa aking pag lalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat ipagmalaki na sa inyong lugar lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nag papatunay na masagana ang bansa natin sa likas na yaman at higit sa lahat ay mag pasalamat tayo sa Panginoon sa mga biyayang ating nataganggap galing sa kanya.
David John Gamarza
FVT 7
Tama! Kailangan natin ng pangulo na mas matatag at hindi lamang puro salita. Kailangan natin ng pangulo na merong gawa upang sa ganon ang bansa natin ay umunlad pa lalo. ��
ReplyDeleteTama Po
DeleteKailangan din natin Tulungan Ang ating Lider upang maisayos at mapabilis ang ating mga suliranin sa ating Bansa
ReplyDeletemay mga binibitawang salita ang ating pangulo upang isaayos ang ating bansa, subalit ilan sa mga pangako ng ating pangulo ay hindi pa ginagawa kaya hindi lang dapat ang pangulo o ang gobyerno ang gagawa ng paraan upang mapaayos ang ating bansa, pati narin tayo
ReplyDeleteAng isang Pinuno o LIder siya ang nag bibigay ng direksyon sa mga mamayan o nasasakopan , upang maging maayos ang kanyang mga nasasakupan .
ReplyDeleteAng isang pinakamahalagang katangian NG isang lider ay matapat sa pinamumunuan,masipag sa kanyang mga nasasakupan,at may responsibilidad
ReplyDeleteano ang mga katangian na dapat taglayin ng mga opisyal ihalal sa ating bansa
ReplyDeleteGoldsteel - Titanium Spinning Gem - TITanium Art
ReplyDeleteGoldsteel - titanium chopsticks Titanium Spinning Gem, made titanium pan in Malta, titanium 200 welder This gemstone has two of the titanium solvent trap monocore original titanium dental five gemstones from goldsteel, an eye for the gem.
Tama pero tayo din ay may gagawin dapat
ReplyDelete